Sino ba naman nga ang hindi masStarStruck sa kagandahan ng isang Pinay?!
Yesterday, April 29,2008..Tuesday..nagpunta kame ng mama at nanay(term na gamit namen to call our tita) sa divisoria.. to buy summer cocktail dress sa cousin ko na aattend ng debut ng former high school classmate nya.So.. para narin mas magkaroon ng magandang idea kung anu magandang color at style.. pinasama narin ako ni mama..
So..7 am pala ang usapan nila ha!Pero nagkitakita kami ng 8 am.Hay.. Filipino Time nga naman..So un.. sumakay na kami ng jeep papuntang Divi at sumakay naman ng FX dun.So.. un,finally dumating narin kami!Around 10 am..nagsimula na kami maghanap ng dress para sa pinsan ko.Ngayon lang kasi siya napayagang umattend ng debut.Ung classmates nya kasi sa Ateneo inimbita rin sya dati sa debut kaso hindi siya nagpunta eh..
So un.. hanap hanap kami.. ung una naming pinuntahan.. sa may Cluster Building.Kaunti pa nga lang ang bukas nun eh.maaga pa kasi.
Sa totoo lang.. nakatatak kasi sa isip ko na since nasa Divisoria kami.. for sure! mas marami pang mahahanap dyan.. so sabi ko sa mama ko..nung pumunta kami dun.. marami pang mas maganda dyan.hindi ko kasi mahanap sa una naming pinuntahan ung gusto ko talagang dress para sa cousin ko..Nung paalis na kami sa place na un..may isang dress talaga that caught my attention.. ang cute! kaso lang tube.for sure ayaw ng cousin ko.conservative kasi.pero nung nakita naman ni nanay na maganda..binili naman nya.tapos naghanap na kami ng bolero.sa Tutuban.so next stop!.. Tutuban!... ayun.. un ung place na gusto kong puntahan kasi sa natatandaan ko.. dun kami nakabili ng magandang costume para sa VTR namin sa Speech 1 nung 2nd sem ko nung 1st year college ako.So aun na.hindi naman ako binigo ng Tutuban.. nakahanap kami ng magandang bolero.at! dun ko din nahanap ung gusto ko sanang dress for my cousin.. worth P 250 compared dun sa naunang nabili P 400 .. pero binili parin ni nanay for my younger cousin naman daw un..So..12 pm na! kain na muna!
Nagpunta kami sa Goldilocks.. I ordered Tagalog Bistek w/ extra rice,mango w/ sago at black forest..solve na!
Then.. after that.. tuloy nanaman ang shopping eklabu namin.Next stop? 168! Hindi na bago ang shopping mall na 'to... sa dami kasi ng pasilio.. marami ka talagang pagpipilian mula imported hanggang lokal na gamit.Dun ako nakapili ng cute new bag for pasukan.. color? green and white! haha :) mukha naman akong tiga- La Salle!
Pero.while I was choosing bag sabi nung tindera,"Ayun si Imelda oh!" (whaat! kanina lang iniisip ko na what if nandito si Imelda katulad nung nababalita sa TV!)
Then..maya maya pa'y dumaan ang isang epitome ng Filipina..maganda,mahinhin,malumay kumilos at maamo ang mukha.
Sa sandaling pagdaan niyang iyon..panandalian ding huminto ang mundo ng mga taong nasa 168.at inilingon ang pansin sa isang tunay na ipinagmamalaki ng mga Pinoy.. ang former first lady.. Imelda Marcos.
Sa sandaling iyon..naalala ko tuloy ang documentary na napanood namin sa Political Science tungkol sa Dictatorship at more on Former President Ferdinand Marcos' regime.
Sino nga bang Pilipino ang hindi nakakakilala sa angkan ng Marcos? Ang noo'y kilalang diktador ngunit talaga namang kinatakutan at malaki ang naging bahagi sa pagunlad NOON ng Pilipinas.
Totoong nakakapagod ang magpalakad lakad sa isang lugar.mas lalo na kung hindi mo alam kung saan ka dadalhin ng mga paa mo.
Ilang oras na naming iniikot ang Divi ngunit hindi nalang ako nagreklamo.kapag pala iniisip mo na minsan lang nangyayari ang bonding moment na ganun.. hindi mo na iniisip ang mga sakit sakit ng paa mo kakalakad!
Pauwi na kami ng magaalas-kuwatro na ng hapon.. hindi pa man kami nakakalagpas ng lugar na un.ay nagsimula nang lumabas ang tunay na kulay ng mga taong nakatira roon.
Dahil sa katindihan ng trapik.. hindi magsiandara ang mga sasakyan.At dahil nga trabaho ng isang dispatcher na kumuha ng mga tao,naiinis na sila dahil kakaunti lang ang sumasakay at sinisisi nila ang trapik.kaya naman.. nagaway away na sila."P****! kung gusto mung umasad ng maayos.. umayos ka ha!...blah! blah! blah!" Napuno ng sigawan ang lugar na un sa mga oras na un.Buti nalang may napansin ako na IMUS PCI ang signboard..sinabi ko un sa mama at nanay ko.kaya agad naman kami na nakauwi.bandang alas-sais ng gabi nakauwi na kami.dala dala ang pasalubong ko sa nakababata kong kapatid na si Carol.. ang fake VCD na Hana Kimi :)
Kahit na pagod na pagod pa ako galing sa maalikabok na biyahe at mahabaang lakwatsa namin.. sinamahan ko parin ang kapatid ko sa panonood ng paborito naming. HANA KIMI.na hanggang ngayon..dahil sa 30 chapters un.. hindi pa namin natatapos.. :)
Wednesday, April 30, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment