Wednesday, April 30, 2008

arwind santos :)




Last week ko pa talaga 'to gustong i-feature.. ang article tungkol sa isa sa mga hinahangaan at paborito kong local basketball players.. si Arwind Santos! kaso lang naging busy ako sa kakaayos ng blog ko na hanggang ngayon ay hindi ko parin naayos :)
Hay..isa si arwind santos sa mga rason kung bakit nag-aaral ako ngayon sa far eastern university.. kahit nga minsan gusto ko nang sumuko at lumipat nalang ng skul.. iniisip ko parin na HINDI DAPAT AKO BUMITAW SA MGA NAUNA KO NANG PLANO!
Last March 26,2008.. nag-file na ako sa skul ko na lilipat na nga ako ng skul para ipagpatuloy ang gusto ko talaga.. ang kunin ang course na EDUCATION .. sa Philippine Normal University..
Pero noon after graduating from high school.. nakapagdesisyon na talaga ako na Mass Communications muna ang kukunin ko tapos after that.. kukuha na ako ng Education.
Naging choice ko na rin ang FEU dahil nga doon gumraduate si Arwind Santos.. tinutukan ko yan! Mula sa pagsali nya sa UAAP(University Athletic Association of the Philippines) dala dala ang pangalan ng FEU,sa PBL (Philippine Basketball League) sa Magnolia Team at ngayon na nasa PBA (Philippine Basketball Association) sa Air 21 team.. buo parin ang suporta ko sa kanya..
Hanggang sa magdesisyon na nga ako na HINDI NA LUMIPAT.. na siya naman ikinasaya ng mga TRUE FRIENDS ko sa FEU :)
Natutunan ko ring panindigan na ang NASIMULAN ko.
sa ilang banda.. salamat at may arwind santos :)

No comments: